Simply from the heart

Yaman din lamang na lately ang tema ng buhay ko ay pagpapakatotoo sa sarili. Kapag inalis ko sa konsiderasyon ang ibang tao, kung ano ang gusto kong iprove sa kanila. Ito ang gusto ng puso, ang minimum na gusto ng puso ko:
Ang mamuhay ng komportable. Yung kaya kong gawin ang mga bagay na gusto kong gawin:manood ng pelikula, magbasa ng libro, mag-internet, magsulat, kumain ng masasarap at iba-ibang putahe, magbiyahe. Hindi ko pala talaga pangarap maging mayaman, yung maging katulad nina Henry Sy. Gusto ko lang yun para pantabon sa lahat ng frustrations ko sa buhay.
Ang mamuhay kasama ng aking taong minamahal/mga minamahal. Walang chuvanes. Malungkot mamuhay mag-isa. Hindi ako ganun kalakas para harapin ang buhay/maging masaya na harapin ang buhay na ako lang. Marunong ako magmahal, mahilig ako magmahal, marami akong pwedeng ibigay.
Ang maging masaya. Tumawa, magpatawa, may masabing cute at kakaiba, may marinig na cute at kakaiba, kumanta, makinig ng mga kanta, lumandi, landiin. Maglakad, tumakbo, gawin ang gusto kong gawin na walang may kapangyarihang pumigil. Manatiling baliw, manatiling bata.

No comments:

Post a Comment